Joey de Leon’s poem for Willie Revillame
Written by Keeyo on August 11th, 2009
Joey de Leon published a poem in his Philippine Star column last Sunday criticizing Wowowee host Willie Revillame’s behavior last last August 3, 2009 where he asked to remove the inset video of former President Cory Aquino’s funeral cortege.
Here is the complete poem:
The funeral cortege of former Pres. Cory Aquino: My tears came naturaly
Wala na sa piling ng mga Pilipino,
Tinig ng awiting Mga Kababayan Ko,
At lumisan na rin noong isang Sabado,
Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko.
Ako’y sumasaludo, paalam Pangulo,
May isa ‘kong lihim, kay tagal itinago,
Sa lahat nang inabot kong mga namuno,
Tanging ikaw lang sa luha ko’y nagpatulo.
Marami ang nalungkot sa iyong pagyao,
Magalang ang lahat at puno ng respeto,
Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa ‘yo,
Dahil kanilang himpilan naibalik mo.
Subalit ano itong nabalitaan ko?
Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto,
Habang inililipat ang mga labi mo,
Ika’y parang nabastos sa isang TV show.
At ang napakasaklap at masakit dito,
Ang nambastos pa’y kapamilya ng anak mo,
Napanood ito ng tao at publiko,
Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo.
Sabi ng TV host na mainit ang ulo
Pagkakita sa video na kanyang kasalo,
“Sandali, meron akong ano… sa’ting ano…
Hindi naman sa ano,” nagkaanu-ano!
Ayon sa Internet, meron pa s’yang nasambit,
“Sana pakitanggal muna ‘yan sa’ting traffic…”
At ‘di maaalis sa iyong pag-iisip,
Ang parada ng patay ang pinaliligpit!
At dagdag pa daw ng naghahari-harian,
“I don’t think na dapat n’yong ipakita iyan…”
Nasaan naman ang paggalang, o nasaan?
Mga sinasabi natin minsa’y pag-ingatan.
At ‘di pa nangimi nang sumunod na araw,
Pinilit pa ring ginawa n’ya ay tama raw,
Mga nakarinig ‘di na nakagalaw
At ayon sa iba sila na la’y napa-wow!
“… Pero ako, totoo ‘ko eh … “, sabi kuno,
Totoo nga at totoo ring walang modo,
Pwede namang sabihin itong pa-sikreto,
Kaya’t wala na rin mga paliwanag mo.
“Kung ganyan, pakita na lang ‘yan!”, ang hamon pa,
Para bang ang prusisyon nila-“lang – lang” lang ba,
Ang pangasiwaan ay pinapili pa n’ya,
Sumunod ang himpilan, nung August 5 wala s’ya.
May mga komentong pwede nang pang-harapan,
“On camera” baga sa TV ang tawag d’yan
At kung sensitibo man ang gustong bitawan,
Pagpasok ng commercial, hintayin mo na lang.
Matutong magbaba muna ng mikropono
At saka idikta lahat ng iyong gusto,
Lagi kang mataas lahat daw takot sa ‘yo,
Ratings lang ang mababa — totoo ba ito?
The breaking news breaks your heart — at ‘yan ang bawi mo,
Nang mahalata mong sumablay ang pasok mo,
Pero sigurado ika’y maa-abswelto,
‘Di ba ikaw rin ang may-ari ng network n’yo?
Nung Hueves nag-apologize sa diario naman,
O, akala ko ba wala kang kasalanan,
Tapos ng angalan, sunod paliwanagan —
COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman!
O ito kaya ay isa na namang “glitch” lang,
Tulad ng “two-zero” ‘di na natin nalaman,
O ito ay maliwanag na kabobohan?
Sa tingin ng marami, mahirap lusutan.
Ang sabi ng iba — istupidong mayabang,
At giit ng iba — istupidong mayaman,
Mayaman man o mayabang ang tiyak diyan,
Napakayaman n’ya sa kaistupiduhan.
Buti pa ang apat na honor guards ni Cory —
Sina Malab, Laguindan, Rodriguez, Cadiente,
Walong oras tumayo sa ulan at viaje,
Ang lahat ay tiniis at walang sinabi.
Samantalang ikaw na may bubong sa ulo,
Komportable ka lang sa malamig na studio,
Nang kapirasong libing sa TV sumalo,
Angal at inis ang sumambulat sa iyo.
Maaari din namang pabayaan na s’ya,
Subalit ang nangyari’y mabigat talaga,
Namayapang pangulo’y huling paalam na,
‘Di mo pa pinagbigyan … hoy, nag-iisa ka!
At nais ko lang sabihin at ipagyabang
Sa mahigit na s’yam na libong tanghalian,
Sa limang pangulong sa Bulaga’y dumaan,
Kahit isa wala kaming nilapastangan.
Related posts:
- Maricar Reyes admits she dated Dr. Hayden Kho
- Did Willie insult Cory @ Wowowee?
- Kho denies presence of video scandal (video)
Tags: joey and willie, joey de leon's poem for willie
Twit This Post!
Find us on Facebook

August 21st, 2009 at 3:09 pm
What willie said,for me, mean nothing really… it depends on how people understand and interpret.
August 23rd, 2009 at 1:40 pm
hayyss… grabe tlga ang mga tao kung humusga.. i agree wit epallang’s comment. we are JUST HUMANS. n’ we are not PERFECT! im sure (willie) he didn’t mean wat he said. it’s hard to make people happy while mourning at the same time. sometimes.. we are too immature. close-minded tayo pagdating sa mga mali ng iba. kung ano nakikita naten mabilis naten nahuhusgahan agad. kung sinasabi ni joey na bakit kelngan pa na ngeexplain c willy kung wala xang ksalanan..?? EVERYONE has a right to defend themselves. if he were in willie’s position whether you have good or bad intentions, i’m pretty sure you’d still explain to people. it’s not about the ratings.. nor the mere fact of people watching their shows. dapat kasi hindi na pinapatulan ni joey yung mga ganyang issue. HE’S JUST MAKING IT WORST!
i don’t care kung cno ang no.1 on both stations, i’m not biased. i don’t just observe on current situations like this. mas maganda din po na tinitignan din naten at pinapakinggan yung side ng ibang tao. ABS-CBN shud be the one to explain why they continue to air wowowee even if willie requested na wag na i-air yung kay cory if they would still air the show. pero still they both aired the show n’ coverage of pres. cory. di naman na cguro tama yun kaya di na napigilan ni willie yung emotions nya . . . it maybe harsh on the way he said it. pero sana we shud understand also where he’s coming from. if the AQUINO family accepted his apology. dapat tau din..
and sa mga pumupuri pa kay joey.. come to think of it.. mahilig SIYA mgsalita pag c willie ang may kasalanan. c VIC ba at c TITO ngsasalita din?? di naman di ba?! kasi di naman nila problema na makisawsaw pa dun. there is no problem which will be resolve by also making a problem. hindi lang mttpos yan pag tayo di natuto na umunawa. dahil magsisiraan lang tayo pag pinagpatuloy naten yung mga ugali naten na mapanghusga.. if willie commited a mistake.. cgurado naman ako na he regreted how he said those things in a rude way. just a mixed up emotions. kung gusto nga tlga ng mga tao na mtanggal sya.. dapat wala ng nanuod sa wowowee! pero madami padin ang sumusuporta including TFC subscribers. if we don’t have good things to say better yet, let’s juz keep it to ourselves and not destroy other people just because of misjudgements… broaden our minds and just continue to pray for pres. cory. yun lang po… *peace.
August 23rd, 2009 at 4:08 pm
Joey de Leon, I think, has always been insecure of channel two. Lolit Solis also. Why does Joey need to REACT? Channel two may not be number one, but for me, majority of CHANNEL TWO SHOWS HAVE BETTER QUALITY. Yun nga artista nga sa channel 7 paulit-ulit at ummikot lang .. kung hindi si marian rivera, dingdong, dennis trillo, richard gutierrez.. look at Joey’s show with Lolit and Butch… for me.. palengkera with no taste…
Comparing ASAP na lang with SOP (Sunday noontime shows), ASAP has more variety, style and taste. SOP parang bakya… pati si Regine nagiging corny and parang ka cheap.. pag nag emcee na sila….
Parang Darna, aba ilan beses bang irerevive ng GMA yan? phleaseeeeeeeeeee… wala creativity and uniqueness ang GMA pag dating talaga sa TV series….
I salute GMA’s news and documentary shows.. ayan diyan sila I think magaling. But for TV sitcoms na or their telenovelas.. nababaduyan ako.
For me, Willie did not do something wrong. He said PAKI-tanggal yun video… well coz the show was for fun. Come to think of it, if Willie made that request off-cam, would he still be “bastos” or rude? One and the same banana… he said that on or off cam, it would not make a difference anyway. He just made his point that showing a video where Filipinos are mourning would affect the show in a way coz the show was for fun.
August 23rd, 2009 at 4:23 pm
Come to think of it, in the past Eat Bulaga shows… nagiging bastos and vulgar din naman sina Joey de Leon and Vic Sotto as far as I remember.. ewan ko lang kay Tito Sotto. Yup, pag nga nagkamali si Willie.. parang fiesta ang Joey de Leon celebrating his mistakes.. well, he should look at himself first din. Tama nga, pag si Willie nagkamali.. si Joey ang una na chichika. Gumawa pa ng tula ha… katuwa… talagang pinaghirapan pa niya..
Eh yun iba artista ba sa Eat Bulaga may matching side comments ba pag may mali sa ibang station like channel two? Eh ang channel 2 ba super comment ba pag may mali naman sa Channel 7? WALA! Channel 2 just kept on perfecting their craft.
August 23rd, 2009 at 4:33 pm
Channel 7 has OK shows like Unang Hirit, 24 Oras, Wish ko lang, yun iba shows sa Q channel ayun OK din, na paranag ginaya ang studio 23 ng ABS-CBN.
Anyways, Channel 2 and 7 , and the rest of Phil. media should have a healthy competition and not just mere giving insecure and sarcastic remarks to each other .
August 23rd, 2009 at 6:57 pm
si joey insecure sa lahat ng bagay meron si willie, d nya matanggap na mas kinakagat sya ng mga tao ksa sa joey na unggoy.. si willie ng umpisa wala, si joey mtagal ng artista malpit na mg expired pero hanggang ngayon gnun p rin sya wla pinagbago sa career nadadala lang sya kay vic wala sya pangalan,kya mgkaPAngalan manira ng tao ang gngawa, sya dapat ang bantayn ng mtrcb. syA ANG TUNAY NA BASTOS.MATANDANG MAHILIG MANLAMANG. unggoy ka joey..
napakalaki m na inggitero kay willie.khiyt mg show ka pang sampu d maabot ang naabot ni willie.sorry k n lng unggoy